Advertisers

Advertisers

Solo parents, indigent students inayudahan ni Bong Go

0 190

Advertisers

IPINADALA ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang grupo sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro para ayudahan ang daan-daang solo parents at indigent students, bilang bahagi ng personal na pagsisikap ng senador na tulungang makabangon ang mga komunidad na inilugmok ng pandemya.

Upang matiyak na ligtas sa virus ang 934 beneficiaries na dumating sa distribution activity sa Hon. Arison Y. Atienza Gymnasium, ipinatupad ang kinakailangang health protocol at igrinupo-grupo ang mga ito sa maliit na bilang.

Bukod sa makakain, grocery packs, masks, face shields at vitamins na ipinamahagi, may ilang recipient na binigyan ng sapatos, bisikleta at computer tablets.



“Nandidiyan pa po ang COVID-19 dahil delikado po. Mabilis po ang hawahan nitong COVID-19 at mahirap po magsimula muli ‘pag back to zero na naman po tayo, ‘pag mayro’ng nahawa sa loob po ng paaralan. Kaya maingat na pinagaaralan ang pagsasagawa ng face to face classes,” ani Go.

Naroon din ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development para mamahagi sa mga estudyante at solo parents educational assistance at financial assistance.

Isang ginang na may pitong anak, si Maria Lisa Aranda, ang nagsabing dahil sa pandemya ay araw-araw siyang “nakikipagbuno sa hirap” para buhayin ang kanyang pamilya, lalo’t mag-isa na lang siya kumakayod.

“Nagpapasalamat po ako nang marami kay Senator Bong Go dahil ako po ay isa sa mga nabigyan ng tulong na makakatulong po sa pag-aaral ng aking mga anak,” ang sabi ni Aranda.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, ipinaalala ni Go sa beneficiaries na mahigpit na sundin ang health preventive measures ng pamahalaan at lumahok sa national vaccination program para maprotektahan ang kanilang sarili laban sa virus.



“Ang bakuna po ang susi at solusyon para unti-unti na nga po tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay katulad po noon kung saan po mayakap natin ang ating kapwa Pilipino. At napakaimportante po ma-attain natin ‘yung herd immunity sa community para po hindi na kumalat ang sakit na COVID-19,” ani Go.