Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Ngunit sikapin mo munang pagharian ka ng Diyos, sa pamamagitan ng mga pagtupad mo sa Kaniyang mga kautusan, at ipagkakaloob Niya sa iyo ang lahat ng iyong kailangan’…” (si Jesus, sa Mateo 6:33, Ang Tanging Daan Bibliya).
-ooo-
“WORK FROM HOME ARRANGEMENT”, MAHUSAY NA PARAAN SA PAGPAPATULOY NG TRABAHO NG MGA MANGGAGAWANG APEKTADO NG COVID 19 PANDEMIC: Nagiging isang malaking kaparaanan ng paghahanap-buhay at pagta-trabaho ng mga manggagawa ang tinatawag na “work from home arrangement”, o yung pagganap nila ng kanilang mga tungkulin doon mismo sa loob ng kanilang mga tahanan.
Sa pag-aaral ng mga dalubhasa, maraming biyaya ang ganitong estilo ng pagganap sa mga trabahong kanilang nakasanayang gawin sa loob ng mga opisina at tanggapan bago tumama ang mga limitasyon at mga pagbabawal dala ng pagdating ng COVID 19 pandemic noong Marso 2022.
Una dito ang pagkakaroon ng mas maraming oras ng mga manggagawa upang mag-trabaho, dahil hindi na nila kailangang gumugol ng mahabang oras sa mga biyahe patungo sa kanilang mga opisina at pabalik sa kanilang mga bahay.
Magagamit ng mga manggagawa ang mga oras na dapat ay kanilang ibinibiyahe araw-araw, upang umpisahan na ang pagkilos sa mga itinalagang gawain para sa kanila ng kani-kanilang mga kompanya.
Nawawala din ang bigat ng isip o hirap ng loob, o stress sa madaling salita, na kadalasan ay dulot ng paghihintay ng mahabang oras sa mga biyahe ng mga pampublikong bus, jeep, taxi, o maging ng MRT o LRT, at pagkakasalalak sa mabigat na daloy ng trapiko sa mga lansangan.
-ooo-
MGA BIYAYA NG “WORK FROM HOME ARRANGEMENT”, KINILALA: Ganundin, nakakaiwas pa ang mga manggagawa sa pakikisalamuha sa publiko, partikular sa mga tao na nasa labas ng kanilang mga tahanan sa anumang dahilan, na pipigil sa anumang tsansa ng pagkakahawa ng mga gumaganap ng kanilang mga trabaho sa kanilang mga tahanan.
Biyaya ding maituturing para sa mga pinapayagan ng “work from home arrangement” ang hindi na nila pagbabayad ng mga pamasahe. Magiging malaking tulong pa ito upang madagdagan ang kanilang mga impok, o savings, na magagamit nila sa maraming paraan: pambayad ng mga matrikulasyon sa paaralan ng mga anak.
O di kaya, pambili ng mga gamit-pambahay na makakapag-pagaan sa mga gawain ng ina ng tahanan, o di kaya ay pambayad din sa mga utility bills, gaya ng tubig, ilaw, kuryente, o telepono. Maaari ding gamitin ang mga naitabing pera na gagamitin sana sa mga pamasahe para sa mga espesyal na okasyon gaya ng Pasko, Bagong Taon, o mga birthday celebrations ng pamilya.
Kasama sa mga biyayang ito ng “work from home arrangement” ang pagkakaroon ng mas madandang oras kasama ang pamilya—ang asawa, ang mga anak, at iba pang mga mahal sa buhay na kasama sa kanilang mga kabahayan.
-ooo-
MALAKAS NA INTERNET CONNECTION, KAILANGAN SA “WORK FROM HOME ARRANGEMENT”: Dahil mas maraming oras ang mga manggagawa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, mabibigyan sila ng pagkakataon na makapag-usap, magkatalakayan sa mga katayuan ng bawat isa, at, gaya ng sinasabi sa wikang Ingles, makapag-bonding with the family ng mas mahabang panahon.
Magkakaroon din ang manggagawa ng oras para sa iba pa nilang mga pagkilos upang makapag-aral at matuto ng ibang mga bagay sa pamamagitan ng Internet, makasama sa mga makabuluhang gawain gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang grupo ng hindi na umaalis pa sa mga kabahayan.
Ngunit, gaya ng maraming mga pangyayari sa buhay, may malaking hamon din sa pagiging epektibo ng “work from home arrangement”, at ito ay ang pagkakaroon ng mahusay o stable na Internet connection.
Kritikal sa isyung ito ang pagpili ng mga gadgets, laptops, computers, o iba pang makabagong instrumento upang maka-konekta ang isang manggagawa sa trabaho, o sa iba pang mga grupo na kailangan niya sa paghahanap-buhay o di kaya ay sa pagganap sa iba pang mga tungkulin niya sa buhay.
\
Kasama din dito ang pagkakaroon ng mahusay na Internet Service Provider, upang makatiyak ang manggagawa na tuloy-tuloy ang kaniyang koneksiyon sa Internet. Sa bagay na ito, marami-rami na din naman ang mga kompanyang tapat sa kanilang pagbibigay ng koneksiyon.
\-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.