Advertisers
Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng kanyang kainuman sa San Juan, Batangas nitong Linggo.
Kinilala ang biktima na si Edwin Moraleja, 48-anyos.
Ayon sa ulat, kainuman ni Moraleja si Ruel Ilao, isang magsasaka, 6:00 p.m. ng gabi sa Barangay Escribano.
Nagkaroon nang pagtatalo sa pagitan ng dalawa kaya’t umalis na lamang si Moraleja sa inuman para umuwi.
Ngunit habang naglalakad, pinagbabaril ito ni Ilao sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Patay agad si Moraleja habang nakatakas si Ilao.
Ikinasa na ng pulisya ang operasyon upang mahanap si Ilao.