Advertisers
Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinayagan ang mga bata na makapasok sa Dolomite Beach sa Maynila dahil sa hindi naman ito ipinagbawal ng lokal na pamahalaan.
Maaalalang dinagsa ang Manila Bay nitong weekends kasabay ng pagbababa sa Alert Level 3 ng National Capital Region (NCR).
Batay kay Station 5 Ermita Commander Police Lieutenant Colonel Evangeline Cayaban, bahagya silang nahirapan sa pagpapatupad ng public safety protocols.
“We kept on reminding them na regarding the health protocol. Tayong mga Pilipino, nandun tayo sa kung alin ‘yung bawal, ‘yun ‘yung maganda gawin, so ‘yung kanilang face mask is still sa kanilang baba,” saad nito sa 24 oras.
“Lilinawin ko lang po ‘no, hindi po pinagbabawal ang mga bata sa Alert Level 3 sa mga open air area, sa mga open air po. Ipinagbabawal ito sa indoor. Pinapayagan po kasi wala pa hong malinaw pa na ordinansa dito po sa Maynila na nagsasabing bawal,” ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda.
“But again, if the local government will say na ipinagbabawal ‘yan, then it’s the time na ipagbabawal ‘yan.” (Jocelyn Domenden)