Advertisers
SABAK agad sa matinding bakbakan ang powerhouse Davao Occidental COCOLIFE Tigers sa pagsambulat ng giyera sa bagong ligang Filipino Basketball League (FILBASKET).
Partikular ngayong lumuwag na ang alert level ng IATF na isang positibong balita sa larangan ng sports sa bansa ay makakapamayagpag na rin sa wakas ang bagong establisadong amaateur/commercial na liga na sisiklab sa Oktubre 28 sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) , Olongapo City via bubble set up.
Ito naman ay pinaghahandaan na ng mga kumpirmadong kalahok na sasabak sa panibagong cage battlefield kabilang na ang MPBL Lakan Cup reigning champion Davao COCOLIFE Tigers.
Ang champion caliber na koponan ay asahang muling sisingasing ang bangis sa arena ng bagong liga katunggali ang matagal nang karibal sa ibang ligang Basilan sa bubble opening games.
Ang mga Tigers ay binubuo ng subok nang beterano at bagito pero palabang manlalaro na namayagpag na na sa ibang mga giyera ng amateur/commercial basketball league sa bansa.
Bukod din sa pagdating sa team Tigers ng mga subok sa lupet na taong labas na walang patawad pagdating sa rainbow territory.
Ang kampeong koponan mula Mindanao na pag-aari nina Davao Occidental Governor Claude Bautista at Congresswoman Claudine Bautista Lim at suportado nina COCOLIFE president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay binubuo ng mga pioneer at beteranong sina Joseph Terso, BonBon Custodio, Billy Robles, Kieth Agovida,
Robby Celiz , Emman Calo, Marco Balagtas, Chester Saldua , Gab Dagangon, Chris Lalata , Irven Palencia, Jerwin Gaco, Alwin Alday , Allan Santos at ang pagpasok ng subok na gunners na si John Wilson at Paulo Hubalde sa timon nina coach Matt Makalintal , deputies Manu Inigo at scouting coach Jose Presbiterio habang si Bhong Baribar ang operations head . “Buti na lang naka-adjust na tayo sa bagong system ng head coach natin. All efforts lahat para sa team.Hear us roar once more.
Mapapatunayan ito sa aming buwenamanong laban kontra malakas ding Basilan (katunggali ng Tigers noong semifinals ng MPBL Lakan Cup na umabot ng rubbermatch game 3 angat ang Davao)”, ani asst.team manager Ray Alao.
“ Our Dav.Occ. COCOLIFE Tigers will surely continue it’s winning tradition and a force to reckon in maintaining the team’s powerhouse reputation”, mensahe ni SVP Ronquillo sa kanilang koponang itinuturing na team to beat sa FILBASKET.
“Matapos ang mga serye ng virtual at physical training ng Tigers natin ay handa na sila sa bagong giyera ng Filipino Basketball League in observance with the health protocol na ipinatutupad ng kinauukulan.Narito lang kami para sa suporta, “ pahayag naman ni team manager Dinko Bautista.(Danny Simon)