Advertisers

Advertisers

Kim ginudtaym si Tiyang Amy at iba pang hosts ng ‘It’s Showtime’

0 300

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA pinakabagong entry sa kanyang vlog, prinank ni Kim Chiu ang kanyang It’s Showtime family.

Isa si Amy Perez sa ginudtaym ng Chinita host at actress.



Tinawagan niya si Tiyang at nag-emote na meron siyang problema na may kinalaman sa kanyang citizenship.

Sa kanyang kuwento,  napag-alaman daw ng Immigration na hindi siya Pinoy citizen.



Iyon daw apelyido nilang Chiu ay hiniram lang at binayaran ng kanyang tatay dahil ang tunay na surname nila ay Lu.

Kaya raw dapat ay ayusin nila ito sa nasabing ahensiya dahil kung hindi ay made-deport siya.



Nagtanong din si Kim kung may kilalang abogado ang co-host na malalapitan para matulungan siya sa kanyang problema.

Ayon naman kay Amy, may kapitbahay siyang abogado na malamang na makatulong kay Kim.

Hirit pa ng Chinita actress, kailangan din daw niya ng malaking halaga o ng P80 million para maayos ang kanyang gusot.

Sa pagkakinig ni Tiyang Amy ay 18 million pesos ang kailangan niya pero nilinaw ni Kim na 80 million pala ito.

“Pero Tyang pag bubuuin ko po yung pera, pwede ba akong manghiram?”, tanong ni Kim.

“Kanino?” tanong ni  Amy.

Sayo,” sagot ni Kim.

“Hala! Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera Kimmy?… Kahit isanla ko yung katawan ko walang kukuha…” buwelta ni  Amy.

Sa huli, isiniwalat ni Kim na prank lang ang lahat kaya naman nabuwisit si Amy sa kanya.

Ayon kay Amy, sobra raw talaga siyang na-stressed kay Kim.

Na-appreciate naman ni Kim ang kahandaan ni Tiyang at iba niyang “It’s Showtime” co-hosts na tulungan siya sa panahon ng kagipitan kahit ang hanash niya ay gawa-gawa lang.

Ilan pa sa pinagtripan ni Kim sina Ryan Bang, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta.