Advertisers

Advertisers

‘Wag sisirain ang pagkakaibigan

0 319

Advertisers

MATINDI ang bakbakan sa social media ng mga supporter ng bawat presidentiable.

Pati magkakaibigan, magsyota at magkakamag-anak ay nagpepersonalan na! Dahil lamang sa pagtatanggol sa sinusuportahan nilang kandidato na ‘di naman sila kilala. Hehehe…

Oo! Take note: Hindi kayo kilala, maliban kung kalugar nyo, ng presidentiable na ipinaglalaban mo ng patayan. Ni kosing ay wala silang maitutulong sa inyo in case of emergency.



At kapag nanalo naman ang ipinaglaban nyong presidente, hindi karin makalalapit dito para humingi ng tulong o makautang pambili ng bigas. Malamang sa kaibigan o kamag-anak parin na inaway mo ang takbo mo. Pramis!

Kaya kesa mang-away ka dahil lamang sa pagtatanggol sa gusto mong kandidato lalo sa pagka-pangulo, ma-kabubuti na irespeto mo nalang ang paniniwala ng isa’t isa. Okey?

***

May nabasa akong artikulo mula sa Iloilo City. May magsyotang 3 years na ang relasyon, biglang nag-away, nagbastusan dahil lamang sa magkaiba ang gusto nilang presidentiable. Ang lalaki gusto si Bongbong Marcos (BBM). Ang babae gusto si Leni Robredo (Pink). Tinext lang ng babae ang nobyo kung bakit nagustuhan nya si BBM, kung ano na ba ang nagawa nito. Aba’y bigla raw siyang minura. Ayon… nagkapersonalan na. Nag-break! Sinabi ng babae: “Waay ka man pulos. Dyutay man boto mo!” Aray ko! Hahaha…

Another story sa probinsya ng Quezon: Nakatakda nang ikasal ang magkasintahan. Pero dahil sa magkaiba ang kanilang gustong presidentiable (si Leni ang sa babae at Marcos ang lalaki), nag-away din. Hindi natuloy ang kasal. Pati kani-kanilang pamilya nagkapersonalan na. See!!!



Again, huwag sirain ang relasyon dahil lamang sa magkaiba ang inyong kandidato sa pagka-pangulo. Hindi nila kayo kilala. Wala silang paki anuman ang mangyari sa inyo dahil sa pag-aaway nyo dahil sa kanila. Respetuhin nyo nalang ang damdamin ng isa’t isa. Okey?

***

Inanunsyo nitong Lunes ng Dela Rosa-Go tandem ang kanilang senatorial ticket sa ilalim ng partidong PDP Laban.

Ito’y sina: Greco Belgica, Silvestre Bello Jr., John Castriciones, Dakila Chua, Jinggoy Estrada, Rey Langit, Gringo Honasan, Rodante Marcoleta, Robin Padilla, Salvador Panelo, at Mark Villar.

Sa mga ito, sina Castriciones at Villar lang ang bet ko!

***

Sa kanyang pagsasalita sa isang okasyon sa Iligan City nitong Linggo, muling kinukorap ni Pangulong Rody Duterte ang mga kandidato.

Sabi ni Duterte, magbibigay siya ng sako-sakong pera sa mga kandidato ng kanyang partido, PDP Laban, para makatiyak ng panalo.

“To the party’s chosen local candidates for the 2022 Elections: Congratulations! Rest assured that the party will fully support you in your candidacy. I will also give you one sack of money to make sure that you will win.”

Ibig bang sabihin dito ni Duterte ay mamili ng boto ang kanyang mga kandidato para makatiyak ng panalo? At saan naman niya kukunin ang sako-sakong pera, sa mga inutang na trilyong piso na pambili ng mga gamot laban sa Covid-19? Tsk tsk tsk…