Advertisers

Advertisers

Tulak swak sa FB post

0 454

Advertisers

Arestado ang isang pest control helper nang kumagat sa ikinasang buy-bust operation nang hikayatin umano ang mga Facebook netizen na bumili ng damo sa kanyang inuupahang bahay sa Barangay Pitpitan, Bulakan, Bulacan, noong Sabado.

Base sa report kay P/Col. Manuel Lukban Jr. ng Bulacan PNP, nakilala ang nadakip na si Melvin Solomon, alyas ‘Buloy’, tubong Tinajeros, Malabon City at nangungupahan sa Barangay Pitpitan, Bulakan na nakakulong ngayon nang makumpiskahan ng tatlong pakete ng ‘damo’ at buy-bust money.

Sa ulat, 11:00 ng tanghali nang maglatag ang SDEU ng Bulakan MPS ng buy-bust operation laban sa suspek nang may nagbigay ng impormasyon sa awtoridad na naka-post sa Facebook ang paggamit nito ng ‘damo’ at pagbebenta ng droga.



Dahil dito, isang undercover policeman ang nakipagtransaksiyon kay Solomon kaya nadakip ang huli matapos ang buy-bust kung saan nakumpirmang nangungupahan lang ito sa lugar dahil sa kanyang trabaho ngunit ginawa nitong sideline ang pagbebenta ng ‘damo’.

Hindi naman alam ng suspek kung sino sa kanyang tropa ang nag-post sa Facebook ng ilegal na gawain at itinanggi nitong siya ang nag-upload sa social media ng nasabing gawain.