Advertisers

Advertisers

Tibatiba na naman ang CPP-NPA-NDF

0 225

Advertisers

TUWING panahon ng halalan isa sa mga kumikita ay hindi lamang mga kababayan nating nagbebenta ng kanilang mismong boto. Ang komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay tiba-tiba rin.

Dahil ito rin ang panahon na kanilang sisingilin ang mga kandidatong nais mangampanya sa mga lugar na kanilang pinepeste o kontrolado.

“Permit to campaign” at “permit to win” pa nga ang inaalok ng mga hunghang na mga ito. At di lamang barya ang pinaguusapan dito ha. Milyon-milyong piso para sa mga tatakbong pulitiko.



Halimbawa, sabi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang presyo sa ngayon ng ‘kinikikil’ ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF sa mga kandidato gaya ng sa pagka-gobernador ay nasa pagitan ng dalawang milyong piso hanggang apat na milyon (P2M-P4M). Mas mababa naman sa mga tumatakbong bise-gobernador (P1M-P2M). At kapag mayor naman ang tinatakbo, ang presyo ay nagmumula sa kalahating milyon hanggang isang milyon (P500K-P1M). Di rin ligtas ang mga gustong maging konsehal o ‘bokal’ dahil sila rin ay kinokotongan ng P500k hanggang P800K.

Mantakin niyo yan, kalaking pera niyan, kapag may bumigay na mga kandidato sa pangingikil ng CPP-NPA-NDF. Mayroon naman daw talagang bumibigay, ayon sa NICA. Eh kasi nga gustong manalo.

May ‘intel report’ pa nga ang NICA na ang ginagamit na mga negosyador ng komunistang-terorista sa pangingikil na ito, ay mismong mga barangay kupitan, este, si barangay chairman o kapitan. Mas maluhab, dumidiskarte na rin ang CPP-NPA-NDF na tumaya at sumuporta ng ilan sa mga kumakandidato sa pagka-pangulo.

Mamingat yan! Ika nga ng ngo-ngo kong kapit-bahay. Ayon sa kanya kung milyon ang matitiba ng komunistang-terorista sa halalang darating, maraming mabibiling armas at pangpasabog ang mga “ung-ang.”

Tama ang kapit-bahay kong si “Dandoy Ngo-Ngo” dahil kung may magbibigay na mga kandidato,pihadong sa susunod na taon din ay lalakas ang kilusan ng komunistang-terorista at makakapang-gulo itong muli.



Yun ngang mga mismong kandidato nila sa Kongreso, ang Kamatayan Bloc, este Makabayan Bloc (makabayan ba talaga?) na mismong mga ‘cadre’ din ng CPP-NPA-NDF ay nakakapanggulo na, yun pa kayang may pera silang pambili ng mga bomba o pang-pasabog.