Advertisers
NADAKIP ng PNP-Anti Kidnapping Group ang miyembro ng Abu Sayyaf na tumayong negosyador nang pugutan ang dalawang Canadian nationals na bihag nila sa Talipao, Sulu noong 2015.
Kinilala ni PNP-AKG Director, Brigadier General Rudolph Dimas, ang nadakip na si Adzrimar Sali Ammat na kilala rin sa alyas “Abu Omar” at naaresto nitong October 15 sa operasyon ng pulisya sa Barangay Kampo Islam, Lower Calarian, Zamboanga City.
Magugunita na September 2015 nang dukutin ng mga bandido ang dalawang Canadian nationals sa isang resort sa Samal, Davao del Norte at dinala sila sa Talipao.
Nakipagnegosasyon ang suspek sa pamilya ng mga biktima subali’t pinugutan din ang mga ito. (Mark Obleada)