Advertisers
MALINAW ang mga palatandaan ng isang nabubuong “middle-class revolt,” o himagsikan o pag-aalsa ng panggitnang uri sa ating pulitika. Kung hindi mapipigilan ng gobyernong Duterte ang sama-samang pagkilos ng mga nasa panggitnang uri, malamang na sumiklab sa buong bansa ang pag-aalsa at magbigay ng malaking problema sa sinumang kandidato o kahit hindi kandidato ni Rodrigo Duterte sa halalang panguluhan sa 2022.
Unang palatandaan ang mga sabay-sabay na motorcade nooong Sabado sa mga pangunahing lansangan sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Albay, Masbate, Sorsogon, Camarines Norte, Catanduanes, at Cebu. Ipinahayag ng maliwanag ng mga kapanalig ang kanilang suporta sa kandidatura ni Leni Robredo sa 2022.
Mayroon pa sanang motorcade sa lalawigan ng Rizal, ngunit pinigil ng hindi katanyagan na gobernadora. Hindi niya pinayagan at binigyan ng permit dahil hindi niya suportado si Leni. Hindi siya makakasiguro sa kanyang muling pagtakbo sa 2022. Malamang na gantihan siya.
Hindi natutuwa ang maraming mamamayan kabilang sa panggitnang uri sa mga ginagawang malawakan at malakihang korapsyon sa gobyerno kung saan bilyon-bilyon piso ang nangawala na parang bula. Hindi sila natutuwa sa hindi pagsugpo ni Duterte at kasama sa gobyerno ng ng pandemya. Hindi sila natutuwa sa pagkampi ni Duterte sa China.
Taglay ni tila nababaliw na si Duterte ang kabastusan, kawalan ng galang, at kawalan ng pitagan sa ugali at tradisyon ng sambayanang Filipino. Bangungot ang panalo ni Duterte noong 2016 at ang salaulang pagpapatakbo ng gobyerno. Kinakatawan ni Duterte ang kabiguan – ang pagbagsak ng Filipinas sa liga ng mga bansang umuunlad at bumabangon.
Hindi nalayo ang pagkilos ng weekend sa kampanya sa halalan ng 1986 kung saan nagtapat ang mga demokratikong puwersa na sumuporta sa tiket na Cory Aquino-Doy Laurel laban sa tiket ng awtoryanismo ng diktador Ferdinand Marcos at Arturo Tolentino. Binigyan ng diktador ng 45 araw ang kampanya na totoong gahol sa isang makatotohanang tunggalian. Hindi nakaungos si Marcos sa laban hanggang nauwi sa Himagsikan sa EDSA kung saan ang mismong sambayanan ang nagpatalsik kay Marcos at nagluklok kay Cory Aquino.
Isang malaking katanungan kung masusustenahan ang pag-aalsa laban kay Duterte hanggang sa halalan sa 2022. Malaking halaga ang ninakaw umano n Duterte at mga kampon mula sa kaban ng bayan at kahit ang pamilya ni BBM na humaharap ngayon kay Leni. Sa laki ng ninakaw, mayroon silang sobrang salapi na pantapat sa puwersa ni Madam Leni.
Isang katanungan ang kakayahan ng mga nasa panggitnang uri na padausdusin ang pag-aalsa pababa sa mga nasa “laylayan ng lipunan. Hindi ganap na naiintindihan ng mga mahihirap ang ipinaglalaban ng mga tagasuporta ni Madam Leni. Bukod diyan, tanging sa social media pumutok ang himagsikan at hindi sa tradisyunal na media.
Hindi medium ng mga mahihirap ang soc-med. Mahirap ang access sa Internet sa mga liblib na lalawigan at sa halos kabuuan ng Mindanao. May mga pag-aaral kung saan dalawang hanggang tatlong porsyento ng mga gumagamit ng social media ang aktibo. Isang malaking tanong kung naipaabot ng mga naghihimagsik ang kanilang kalatas sa mga mahihirap na ang malaking bilang ang bubuo ng hukbo ng botante sa halalan sa 2022.
Hindi natin alam kung paano kikilos ang mga kampo ni Isko, Duterte, BBM, Ping at Mane. Hindi malinaw kung mayroon silang kilos suporta sa kani-kanilang mga kandidato. Hindi natin alam kung ano ang solusyon nila sa napipintong himagsikan kontra sa kanila na mga nasa panggitnang uri. Hindi nila palalampasin ang abante ni Madam Leni.
Ngayon, malaking suliranin ni Madam Leni na magkaroon ng network sa maraming lalawigan at siyudad. Dahil matagal siyang nagmuni-muni kung tatakbo o hindi, ngayon pa lamang siya naghahanda. Kung wala siyang network sa ibaba, mahihirapan ang kanilang kampanya. Hindi niya mapaparating ang kanyang kalatas sa mga mamamayan.
***
ANIM sa mga kandidato ng Leni-Kiko tiket ang karapat-dapat na ihalal. Kabilang si Alex Lacson ng Kabankalan City sa Negros Occidental. Sa kanyang aklat “12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country,” binanggit niya ang mga sumusunod na dapat gawin ng bawat Filipino:
1) Follow traffic rules. Follow the law.
2) Whenever you buy or pay for anything, always ask for an official receipt.
3) Don’t buy smuggled goods. Buy Local. Buy Filipino.
4) When you talk to foreigners, speak of good things about us & our country.
5) Respect your traffic officer, policeman & soldier.
6) Do not litter. Dispose your garbage properly. Segregate. Recycle. Conserve.
7) Support your church.
8) During elections, do your solemn duty.
9) Pay your employees well.
10) Pay your taxes.
11) Adopt a scholar or a poor child.
12) Be a good parent. Teach your kids to follow the law & love our country.