Advertisers

Advertisers

Balik-kotong cops sa Divisoria, iniimbestigahan

0 278

Advertisers

KINUKUMPIRMA na ng Philippine National Police ang isiniwalat ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kamakailan ukol sa ‘di umano’y pagbabalik ng kotong cops sa Divisoria.

May nagsumbong umano na mga tindero sa Divisoria kay Lacson ukol sa pagbabalik ng kotong cops sa pampublikong pamilihan.

Pagbubuking pa ni Lacson, bago na ang modus ng mga nasabing tiwaling pulis.



Dagdag pa ni Lacson, imbes na pangingikil ng pera, bibigyan ng listahan ng mga pulis ang mga nagtitinda ng mga bagay na kanila lang pwedeng ibenta.

Sinabi naman ni Manila Police District spokesperson Capt. Philipp Ines na bineberipika pa nila ang nasabing ulat.

“We will not tolerate such acts here in Manila,” ani Ines.