Advertisers

Advertisers

5-day relief ops: 10K INDIGENTS SA LANAO, INAYUDAHAN NI BONG GO

0 319

Advertisers

UMAABOT sa mahigit 10 libong residente mula sa iba’t ibang lugar sa Lanao del Sur ang nabigyan ng iba’t ibang klase ng ayuda sa isinagawang 5-araw na relief operations ng grupo ni Senator Christopher “Bong” Go.

Kasabay nito’y muling umapela si Go sa mga kuwalipikadong Filipino na magpabakuna para maprotektahan ang kanilang sarili laban sa banta ng COVID-19.

Sa serye ng aktibidad sa Lanao del Sur simula Oktubre 13 hanggang sa 17, nanawagan si Go publiko na magtiwala lang sa vaccination efforts ng gobyerno para maaabot ang herd immunity at tuluyan nang makabalik sa normal ang bansa.



“Mga kababayan ko, unti-unti na pong dumarating ang mga bakuna. Magtiwala ho kayo sa bakuna. ‘Pag nasa priority list na ho kayo, magpabakuna na po kayo para po protektado kayo at ang inyong pamilya,” ani Go.

“Nasa datos naman po, ‘pag kayo po ay bakunado, mas protektado po kayo sa pagkasakit ng COVID-19 o ito pong grabeng pagkasakit ng COVID-19 at maiwasan po ang pagkamatay ‘pag kayo po ay protektado. Ang bakuna lamang ang tanging susi o solusyon sa ngayon upang unti-unti tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay.

Namahagi ang tropa ni Go ng iba’t ibang klase ng tulong sa may 10,086 residente mula sa Buadipuso, Mulondo, Romain, Poona Bayabao, Maguing, Taraka, Masiu, Piagapo, Balindong, Marantao, Saguiaran, Malabang, Picong, Binidayan, Lumbatan, Ganassi, Madamba, Tugaya, Pualas, at Marawi City.

Ang distribusyon ay isinagawa kada batch bilang pagsunod sa health and safety protocols laban sa COVID-19.

Namahagi rin ng financial assistance ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development.



“Salamat po kay Kapitan. Salamat po sa mga kagawad. Salamat po sa mga SK members. Salamat po sa mga frontliners. Salamat po sa mga pulis, sa mga sundalo at sa mga bumbero. Salamat po sa inyong tulong sa panahong ito. Huwag niyo pong pabayaan ang ating mga kababayang mahihirap po,” ang sabi ni Go.

“Mga kababayan ko, kaunting tiis lang po at ingat tayo parati at magdasal tayo parati. At tandaan niyo po, minsan lang po tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan o tulong na puwede natin gawin sa ating kapwa Pilipino ay gawin na po natin ngayon, dahil hindi na po tayo babalik sa mundong ito,” anang pa ng senador.