Advertisers
UMANGAT sa No.5 sa world rankings si Yuka Saso ng Pilipinas sa huling Womens World Golf Rankings na inilabas nitong Martes.
Ang 20-year-old Saso, na 7th sa mundo nakaraang Linggo, ay umakyat ng dalawang baytang kasunod ng kanyang fourth place finish sa Cognizant Founders Cup nitong Lunes.
Sa 39 events na nilaruan, Saso na reigning US Women’s Open champion, ay nakaipon ng 222.37 points na may average na 5.70.
Samantala, walang nabago sa posisyon sa top four players na si American Nelly Korda ang nanateli sa No.1 spot. South Koreans Ko Jin Young,Park In Bee at Kim Sei Young ang sumakop sa second at fourth place,ayon sa pagkakasunod.
Korda, ang reigning Olympic champion, ay naglaro ng kabouang 48 events may 450.71 points at 9.39 average.
Ko, na kagagaling lang sa wire-to-wire victory sa Cognizant Founders Cup, naglaro ng 51 events, nakaipon ng 464.11 points may average na 9.10.
Ang dalawang iba pang Filipino golfers sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour— Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina — ay kasalukuyang sa 163rd at 254th place sa world rankings, ayon sa pagkakasunod.