Advertisers
ARESTADO ang isang pulis nang saktan ang misis na nakunan ng video at nag-viral sa Cagayan de Oro City.
Sa ulat, makikita sa video ang galit na galit na si Police Corporal Ronnie Ehem, nakatalaga sa Philippine National Police-Maritime Group, na ilang ulit sinigawan at sinampal ang kaniyang misis sa kanilang bahay sa Barangay Iponan.
Maririnig din sa video ang isang batang umiiyak.
Matapos mag-viral ang naturang video, agad tumugon ang pulisya at hinuli ng kanilang kabaro.
Hindi na humarap sa camera ang inirereklamong pulis pero inamin niyang lasing siya nang magawa niya ang pananakit sa asawa.
Sinabi rin ng pulis na nagseselos siya pero tumanggi na siyang magbigay ng detalye.