Advertisers
HIGIT P.6 million halaga ng shabu ang nasabat sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Makati, Las Pinas, Taguig at Pasay City, nitong Lunes.
Sa Makati City, 5:30 ng hapon nang madakip ng mga tauhan ng Makati City Police ang mga suspek na sina Jhon Carlo Trembevilla, 24; at Jayson Narvasa, 18 sa Filmore Street, Barangay Palanan sa isang buy-bust operation.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa 62 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱421,600.00.
Alas-7:45 naman ng gabi nang maaresto ng Pasay City Police Drug Enforcement Unit ang mga suspek na sina Jomar Sacro, 33; at Maila Sheree, 33 sa #148 Flores Street, Barangay 176, Zone 18 ng nabanggit na lungsod.
Nasamsam naman sa kanila ng mga pulis ang 2.04 gramo ng shabu na may street value na ₱13,872.00.
Sa Taguig City Police, 10:00 naman ng gabi nang madakip ang suspek na si Lolito Calara, sa #58 Viason St., Brgy. Bambang at na-recover dito ang 2.04 gramo na may estimated value na ₱13,872.00.
Samantala, nasa ₱102,000.00 halaga ng shabu ang nakumpiska mula suspek na si Jhon Paul Gonzaga, 20-anyos sa Basa Compound, Brgy. Zapote, Las Piñas City at nakumpiska naman dito ng mga pulis ang 15 gramo na may street na ₱102,000.00.
Ayon sa Southern Police District (SPD) sa kabuuan nasa higit P600,000.00 halaga ng shabu ang nasabat sa Makati, Taguig, Las Pinas at Pasay City at sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165.(Gaynor Bonilla)