Advertisers

Advertisers

Driver dinalaw ang kabit, binugbog ng karibal

0 470

Advertisers

BUGBOG ang inabot ng isang lalaki nang dumalaw sa kabit nito sa Bacoor City, Cavite, Lunes ng umaga.

Nadakip ang dalawa sa pitong nambugbog na sina Francia Tausa at Romeo Bermejo, habang pinaghahanap pa sina Aaron Dequilla, Jonny Dequilla, Monmon Dequilla, Kenneth Superanza at Mark Daniel Leonado matapos ireklamo ni Irene Ferrer, 44 anyos, asawa ng biktimang si Ernesto Ferrer Jr., 42, isang driver na kasalukuyang ginagamot sa Perpetual Help Medical Center.

Sa ulat ni Police SSgt. Albert Badocdoc ng Bacoor City Police Station, 1:30 ng madaling-araw nang magtungo ang biktima sa bahay ng kanyang kabit na si Francia sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City.



Subali’t pagdating doon naabutan niya si Aaron na nanliligaw sa kanyang kabit, dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng tatlo.

Tinawag ni Aaron ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan at pinagtulungang bugbugin si Ernesto na nagresulta sa matinding pinsala nito sa katawan.

Unang naaresto ang mga nambugbog at dinala sa barangay hall, subali’t pinatakas ni Bermejo si Aaron at mga kasamahan nito.