Advertisers

Advertisers

Bgy. Kagawad huli sa pagtutulak ng shabu

0 237

Advertisers

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 ang isang barangay kawagad na naaresto sa Columbio, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 Information Officer Kat Abad ang na-entrap na si Kadafe Mangelen, 43 anyos.

Sa report, nasa unang termino pa lang si Mangelen bilang barangay Kagawad ng Poblacion, Columbio, kung saan siya naaresto sa isang entrapment operation.



Nanguna sa pagaaresto sa nasabing drug suspect ang PDEA Regional Special Enforcement Team kasama ang PDEA Sultan Kudarat at Columbio PNP.

Nakuha kay Mangelen ang isang sachet ng shabu at limang daang pisong buy-bust money.

Nahuli ng mga otoridad si Mangelen nang isumbong ng concerned citizen sa “Isumbong mo Kay Wilkins” platform ng PDEA.

Ito ay isang programa ng PDEA kung saan maaring i-report ng mga concerned citizen ang illegal drug activities sa pamamagitan ng text at social media.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">