Advertisers

Advertisers

Babae pinatay sa loob ng bahay

0 358

Advertisers

Patay ang isang babae nang barilin sa loob ng bahay ng tatlong hindi pa nakikilang salarin sa Malate, Maynila, Martes ng gabi.

Ayon kay MPD-PIO Capt.Philipp Ines, kinilala ang biktima na si Jean Carmen Gelacio, 25, nakatira sa 584- D , P. Quirino Avenue, Malate.

Isang tama ng bala sa ibaba mg kilikili ang tinamo ni Gelacio na nagresulta ng agaran nitong ikinamatay 11:45 ng gabi .



Base sa impormasyon, nagtungo ang tatlong salarin sa bahay ng biktima at hinahanap ang isang ‘Bryan’.

Kinatok ng isa sa salarin ang pinto ng bahay ng biktima at pinalalabas si Bryan at nang pagbuksan ni Gelacio dito na siya binaril.

Mabilis na tumakas ang mga salarin na ayon sa testigo at kasama ng biktima sa bahay na si Jaime Orca.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow up operatiin ang MPD-Homicide Section sa krimen.

Inalaam din ang impormasyon kung may kinalaman ang biktima sa ilegal na aktibidad dahil aktibo itong nasasangkot sa ilegal na droga.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">