Advertisers
TATLONG bata ang nalunod-patay nang lumangoy sa sapa sa kasagsagan ng malakas na ulan noong Lunes sa Las Piñas City.
Kinilala ang mga namatay na sina Renz Lian Aquino, 7 anyos; Arkin Xavier Haresco, 9; at Alwayne Ross Tandoc, 12, pawang residente ng Bernabe Compound.
Isinugod pa ang mga biktima sa Las Piñas District Hospital ngunit namatay din.
Sinabi na tinangka iligtas ng 12-anyos na biktima ang mga kalaro ngunit siya man ay nalunod.
Sinabi sa report na unang nakitang naliligo lang sa ulan Lunes ng hapon ang mga bata pero nagkayayaang maligo sa sapa.
Paalala ni Police Col. Rodel Pastor, hepe ng Las Piñas Police, sa mga magulang, pakaingatan ang mga anak higit ang mga bata lalo na kung malakas ang ulan at may katabi pang sapa sa paligid.