Advertisers

Advertisers

2 SUNDALO, 1 PULIS AT 2 SIBILYAN TIMBOG SA GUN RUNNING!

0 308

Advertisers

DINAKIP ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang lima katao na nagbebenta ng mga matataas na uri ng armas sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang mga inaresto na sina Police Sergeant Elever Jay Anggot Soverano ng PNP-RCLO-BARMM; Sgt. Gleen Argones Sangyao, ng Barangay Poblacion Lebak, Sultan Kudarat; Corporal Reynaldo II Dechavez Dichosa, ng President Quirino, Sultan Kudarat, pawang tauhan ng Philippine Army; mga sibilyan na sina Datu Morjan Kunakon Tumindig at Adams Tumindig, kapwa nakatira sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police, Lieutenant Colonel Rommel Dela Vega, nagsagawa sila ng entrapment operation kasama ang militar sa kuta ng mga suspek sa Barangay Tamontaka.



Narekober ng raiding team sa posisyon ng mga suspek ang matataas na uri ng armas na kinabibilangan ng isang 5.56 mm bushmaster rifle, isang 5.56 AFP property rifle, isang M4 Carbine, 1 cal.45 Rock Island, 1 cal.45 colt, 1 Glock 17 Gen 4 PNP property, 1 Glock 17 Gen 4 AFP property, 1 ZIGANA PX-9 cal.9mm pistol PNP property, mga bala, mga magasin, cellphones, P500,000.00 boodle money at ID ng mga suspek.

Nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Datu Odin Sinsuat PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.