Advertisers
PATAY ang isang negosyante nang pasukin at barilin ng magnanakaw nitong Lunes ng madaling araw sa Singalong, Maynila.
Naitakbo pa sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Rodrigo Nuñeza Arizo ngunit hindi na naisalba pa ng doktor dahil sa tama ng bala sa dibdib.
Sa ulat, apat na lalaki na sakay ng 2 motorsiklo ang huminto sa harap ng tindahan ng biktima, 5:30 ng madaling araw. Pumasok ang tatlong salarin at dinala ang biktima sa kanyang kuwarto at doon pinaslang.
Nawawala ang P120,000 cash ng biktima kasama ang mamahaling cellphone at P2,000 halaga ng paninda ang tinangay ng mga magnanakaw.
Tinitignang anggulo ng pulisya ang robbery-homicide.(Jocelyn Domenden)