Advertisers

Advertisers

Magkabit na sundalo huling nagtatalik sa resort, kulong

0 1,121

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong ‘adultery’ at ‘concubinage’ ang isang Army Captain at sundalong babae nang mahuli ng mister kasama ang mga pulis na nagtatalik sa isang resort sa Maguindanao.

Kinilala ang magkabit na si Captain Ricky Serfino at Private 1st Class Ronna Serra, kapwa tauhan ng Philippine Army.

Ayon sa ulat ng Parang PNP, naaktuhang nagtatalik sa isa sa mga cottage sa isang resort sa Parang, Maguindanao ang magkalaguyo.



Ang pagkahuli sa dalawa ay batay sa sumbong ng sundalong mister ni Serra.

Desidido ang mister ni Serra na sampahan sila ng reklamong kriminal at administratibo.
Pamilyado rin si Captain Serfino.

Sa ngayon, nakapiit na ang magkabit sa costudial facility ng Parang PNP.