Advertisers
LABIS ang ikinatuwa ng netizens kay lola Francisca Susano na taga Kabankalan, Negros Occidental na isa sa kinikilala bilang pinakamatandang tao na nabubuhay sa Pilipinas.
Si Lola Francisca ay may 14 anak. Siya ngayon ay 123 taon gulang at nagdiwang ng kanyang kaarawan noong September 11.
Ngunit hindi lamang si Lola Francisca ang umabot sa edad na 100 pataas, ang kanya ring anak na si Magdalena ay nasa 101 taon narin sa ngayon.
Ayon sa mga kasama ni lola, mahilig itong kumain ng gulay at prutas kung kaya malusog pa sa edad na 123.
Base sa Guiness World Records, si Jeanne Louise Calment ng Arles, France ay isinilang noong February 21, 1875 at namatay sa edad lamang na 122 years ang kinikilala sa ngayon na oldest living person in the world.
Gusto ng pamilya at ng netizens na kilalanin si Lola na oldest living person hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo at maitala ito sa Guinness Book of World Records.
Noong Hunyo 23, 2016 nilagdaan ni dating Pangulong Beningo Aquino III ang RA 10868 o Centenarians Act of 2016.
Sa kasalukuyang batas, ang mga Filipino kahit pa nasa labas ng bansa na umabot ng 100 taon gulang ay dapat makatanggap ng P100,000.
Makakatanggap din sila ng sulat mula sa Pangulo upang batiin sa kanilang ika-100 taon.
Si Lola Francisca ang kaisa-isang Filipino na naabutan ang pamamalakad ng 16 na presidente ng Pilipinas, mula kay Emilio Aguinaldo hanggang kay kasalukuyang Pang. Rodrigo Duterte.