Advertisers

Advertisers

Long term symptoms ng COVID survivors pinag-aaralan na – DOH

0 340

Advertisers

PINAG-AARALAN na ang mga pangmatagalang sintomas ng coronavirus disease o ang tinatawag na long term symptoms.

Sa media forum, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na may kasalukuyan nang pag-aaral ang Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga survivors ng COVID-19 na mayroong long term symptoms.

Ayon kay Vergeire, tinawag itong ‘Genetics Immunological and Neurological Long Term Consequences in Prospective COVID-19 Cohorts” kung saan kasama ang Thailand, Japan, US at Pilipinas sa nasabing pag-aaral.



Gagawin aniya ang pag-aaral sa mga indibidwal na may long term COVID symptoms upang ito ay mapag-aralang maigi.

Dagdag pa ni Vergeire, aantayin pa ang resulta ng pag-aaral para mabigyan ng direksyon ang gobyerno kung ano ang gagawin pati na rin ang ating clinicians.

Pagdating naman aniya sa post COVID long term treatment center ay may mga kasalukuyan namang mga hospital na kayang pamahalaan ang ganitong sitwasyon. (Jocelyn Domenden)