Advertisers

Advertisers

BONG GO: PUSO NI PDU30 SA MAHIHIRAP MAKIKITA SA MALASAKIT CENTERS

0 295

Advertisers

INIHAYAG ni vice presidential aspirant Senator Christopher “Bong” Go na makikita sa mga Malasakit Centers ang puso ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mahihirap na pasyente dahil nabigyan sila ng matatakbuhan at maaasahang serbisyo sa pangkalusugan.

“Dito (Malasakit Centers) niyo makikita ang puso ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga mahihirap. Sinimulan namin ito dahil ayaw naming pinapahirapan sila. Binabalik lang nito ang pera at serbisyo na dapat sa inyo sa pamamagitan ng mabilis at maaasahang serbisyo mula sa gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo,” ang sabi ni Go.

Sinabi ng senador na masayang-masaya siya sa sunod-sunod ang pagbubukas ng Malasakit Centers na sobrang malaking tulong sa ating kababayan, lalo sa mga walang matakbuhan at maaasahan kundi ang gobyerno.



Hinimok ni Go ang mga Filipino na iprayoridad o pakaingatan ang kanilang kalusugan sa pagsasabing higit sa lahat, ang buhay ang pinakamahalaga sa lahat.

Ani Go, nagsusumikap ang Duterte administration na maalis ang napakalaking agwat sa health care ng mga Filipino, partikular ng mga mahihirap, sa tulong ng Malasakit Centers sa iba’t ibang lupalop ng bansa.

Muling ipinaalala ng senador sa bawat isa na i-avail ang iba’t ibang public medical assistance programs ng pamahalaan dahil karapatan nila ito.

Para maging simple at maging maayos ang paghingi ng medical-related aid ng mga pasyente, pinagsama-sama sa iisang bubong o opisina ang iba’t ibang national agencies na kanilang lalapitan at ito ang tinatawag ngayon na Malasakit Center.

Ang mga ahensiya ay ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.



Layon ng one-stop-stop na ito na mabawasan ang hospital bill sa pinakamababang halaga ng isang pasyente sa pamamagitan ng pag-cover sa iba’t ibang bayarin, batay sa itinatadhanan ng Republic Act No. 11463 o ng Malasakit Centers Act of 2019.

Ang batas na ito ay pangunahing iniakda at inisponsoran sa Senado ni Senator Go.

Sa ngayon ay may mahigit 3 milyon nang mahihirap at indigent patients na nabenepisyohan ng programa buhay nang ito ay masimula noong 2018.

Mayroon nang 142 fully operational na Malasakit Centers nationwide, 77 ay sa Luzon, 29 sa Visayas at 36 sa Mindanao.

Sa Metro Manila, may 27 DOH-run at public hospitals na ang may Malasakit Centers, kinabibilangan ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital, Tondo Medical Center at Philippine General Hospital sa Manila.

Mayroon na rin nito sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City; Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City; Rizal Medical Center sa Pasig City; San Juan Medical Center sa San Juan City; Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Veterans Memorial Medical Center, Philippine Orthopedic Center, National Children’s Hospital and Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City.

May Malasakit Centers na rin sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City; Ospital ng Malabon sa Malabon City; Navotas City Hospital sa Navotas City; Valenzuela Medical Center at Valenzuela City Emergency Hospital sa Valenzuela City.

Mayroon na rin sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City; Ospital ng Parañaque sa Parañaque City; Pasay City General Hospital sa Pasay City; t Taguig-Pateros District Hospital sa Taguig City.

“Isa lang po ang bilin namin ni Pangulong Duterte sa mga doctors at social workers sa mga ospital na ito, ‘wag niyong pababayaan ang mga kababayan nating helpless, hopeless at walang matakbuhan. Maraming pasyente ang takot at maikli ang pasensya sa panahong ito but, please, extend your patience as we do our best to help more patients,” ayon sa senador.

Nakiusap si Go sa susunod na administrasyon na sana ay ipagpatuloy ang mga programa ng administrasyong ito na walang ibang layunin kundi magbigay ng serbisyong mabilis, maayos, at maaasahan para sa bawat Filipino.