Advertisers
ITINAAS na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa siyam na lalawigan sa Hilagang Luzon dahil sa bagyong Maring.
Kabilang sa mga lalawigan na ito ay ang Batanes; Cagayan kasama ang Babuyan Islands; Hilagang bahagi ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon); Apayao; Kalinga; Mountain Province; Abra; Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Maaring makaranas ng mapaminsalang bugso ng hangin ang mga nabanggit na lalawigan sa susunod na 24 oras, maging ng malakas hanggang matinding buhos ng ulan.
Samantala, nakataas naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod; Ang natitirang bahagi ng Isabela; Nueva Vizcaya; Quirino; Ifugao; Benguet; La Union; Pangasinan; Aurora; Nueva Ecija; Tarlac; Zambales; Pampanga; Bulacan; Hilagang bahagi ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa); Hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta kasama ang Polillo Islands) at Calaguas Islands.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 350 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan at taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 85 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 105 kph.
Kumikilos ito ng kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kph patungo sa dulo ng Hilagang Luzon.