Advertisers
SORSOGON CITY – ‘Dead on the spot’ ang tatlong estudyante nang araruhin ng dump truck habang nagmo-module sa isang pisonet sa Barangay Matagangtang, Placer, Masbate, Linggo ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Christy Francisco, 16 anyos; Ferdalyn Canete, 10; at Jelian Tamayo, 13, pawang residente ng nasabing barangay.
Sa pahayag ng Placer Municipal Police Station, inihahanda na nila ang kaukulang kaso laban sa 30-anyos na driver ng truck na nakilalang si Jomar Tanael.
Sa report, 3:45 ng hapon nang mangyari ang aksidente sa Purok 9, Brgy. Matagangtang.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck na galing sa bayan ng Milagros patungo sa Cataingan kung kaya’t naararo nito, hindi lang ang pisonet kungsaan nagmo-module ang mga estuyante kundi pati ang isang motorsiklo at tricycle.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang truck driver na mahaharap sa kasong ‘Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Damage to Properties’. (Mark Obleada)