Advertisers

Advertisers

2 estudyante kulong sa 1 kilong ‘damo’

0 259

Advertisers

NADAKIP ng Quezon City Police District – Drug Enforcement Unit (QCPD-DEU) ang dalawang estudyante sa buy-bust operation nitong Linggo (Oktubre 10).

Kinilala ni DDEU Officer in Charge, Major Wennie Ann Cale, ang mga nadakip na sina Ia Hiroya Ikoma, 20 anyos, ng 116 M. Hizon St., 10th Avenue Caloocan City; at Aaron Gabriel Gregorio, 19, ng 137 Libis Espino St., Caloocan City.

Sa ulat, 5:10 ng hapon nang isagawa ang buy bust sa 57 Anahaw St., Brgy., Veterans Village, Q.C.



Nakuha sa dalawa ang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,000, isang plastic na J&T express, cellular phone, puting Toyota Innova (ADA 4273) at P14,000 buy-bust money.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA9165, Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.