Advertisers
NASAWI ang dalawang dalaga nang mahulog sa irrigation canal ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Analyn Antipolo Garino, 20 anyos, estudyante, taga- Purok Rosas, Poblacion 8; at Angelie Mayola Jorillo, 25, private employee, ng Purok 4, Brgy. Villarica, Midsayap, Cotabato.
Ayon sa Midsayap chief of police, Lt. Col. Rolly Oranza, minamaneho ni Garino ang kanyang motorsiklo angkas si Jorillo mula sa Barangay Central Katingawan nang pagsapit nito sa bahagi ng NIA Road, Purok 9, Brgy. Villarica, nawalan ng control ang driver at nahulog ang motorsiklo sa irrigation canal.
Agad na nagresponde ang mga pulis at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP-Midsayap) ngunit patay na nang maiahon sa canal ang mga biktima na nalunod.