Advertisers

Advertisers

Senglot inararo ang 7 sasakyan: 1 todas, 14 kritikal

0 204

Advertisers

QUIRINO – Agad binawian ng buhay ang isang tsuper habang labing-apat ang kritikal sa karambola ng pitong sasakyan sa bahagi ng pambansang lansangan ng Brgy. Poblacion Sur, Maddela , Quirino.

Kinilala ang salarin na si Ricardo Fanuncio, nasa tamang edad, tsuper ng sangkot na Ford Explorer at residente ng Villa Norte; habang ang namatay ang tsuper ng Honda Beat na si Jomar Ladia, 53 anyos, may asawa, at residente Cabaruan na kapwa taga-Maddela, Quirino.

Sugatan din sa naturang aksidente ang tsuper ng isang Honda TMX 155 na may kulong-kulong, dalawang sakay ng Honda Click 125 na motorsiklo, anim na sakay ng Toyota Hi-ace, tatlong lulan ng Toyota Innova at tsuper ng Toyota Hilux.



Habang binabagtas ng Explorer ang pambansang lansangan sa timog direksyon ng makarating sa pinangyarihan ng aksidente, umagaw ng linya ang suspek kung kayat bumangga siya sa dalawang motorsiklo at isang kulong-kulong.

Tinangka pa umano ng pinaghihinalaan na tumakas subalit sa pagtakas nito ay nabangga pa nito ang tatlo pang four wheeled vehicle na nakaparada sa gilid ng lansangan.

Dahil dito ay nagtamo ng sugat ang mga tsuper at sakay ng mga sangkot na sasakyan na agad namang dinala sa pagamutan subalit idineklara nang dead on arrival si Ladia.

Natuklasang positibo naman sa nakakalasing na inumin ang salarin na si Fanuncio.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang kakaharapin si Fanuncio na kinabibilangan ng paglabag sa RA 10586 o Anti Drunk Driving Act, at Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Multiple Physical Injuries and Damage to Property.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">