Advertisers

Advertisers

P170K shabu nakumpiska sa Pampanga

0 200

Advertisers

ARESTADO ang isang kilalang drug-pusher sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Units ng Pampanga PNP sa Brgy. San Isidro sa siyusad ng San Fernando.

Sa report ni PNO Provincial Director P/Col. Arnold Thomas Ibay, kinilala ang suspek na si Hardee Menor Y Talavera, 25 anyos, alyas RD, ng Brgy. Magliman sa nabangit na lungsod.

Nakumpiska mula sa kilalang drug pusher ang 7 plastic sachet ng shabu na may timbang na 26 gramo, na nagkakahalaga ng P176,800.00.



Kabilang sa kinumpiska ng mga pulis ang isang IPhone cell phone, sling-bag, isang weighing scale, isang Toyota Vios na kulay pula na may plate number CBM 4691.

Nabatid na si Menor, na dati nang nasakot sa illegal drugs at may kaso sa Guagua, RTC branch 50 na RA 9165.

Samantala, detenido ngayon ang suspek San Fernando City Jail sa kasong paglabag sa RA 9165.(Thony D. Arcenal)