Advertisers

Advertisers

Customs ang dapat hatawin ‘di vendors sa smuggled veges

0 301

Advertisers

GAGO itong si Agriculture Secretary William Dar. Ipahuhuli niya raw ang vendors na nagtitinda ng smuggled vegetables. Idiot!

Alam ba ng vendors kung smuggled ang mga itinitinda nila e hinahango lang din nila yan sa bagsakan! Malay ba nilang ito’y galing sa bespren ni Digong na China. Alam ba nilang ito’y parating ng Davao group? Gagong kalihim ito!

Kung alam ni Dar na smuggled ang mga itinitindang gulay sa palengke, sa halip na kumpiskahin at hulihin ang vendors, bakit hindi nya sugurin ang Bureau of Customs (BoC) na nagpalusot ng smuggled na mga gulay?



Oo! BoC ang dapat sisihin sa pagbaha ng imported vegetables from China dito sa Pilipinas ngayon.

Eh sino ba ang Customs Commissioner ngayon, ‘di ba si retired AFP Chief “Jagger” Guerrero? Batikan ito sa bakbakan at inteligence. Pero paanong nalusutan siya ng smuggled vegetables? Eh kasi may malakas sa itaas na nagpaparating sa Chinese vegetables na ito. Kung sino man ang gagong ito, malamang malapit sya sa First Family. Mismo!!!

Again, Sec. Dar… hindi ang pagkumpiska at paghuli sa vendors ang solusyon sa pagbaha ng smuggled vegetables from China kundi ang kasuhan mo ang mga taga-Customs at ang nasa likod ng smuggling na ito. That’s it!

***

Kinumpiska na raw ng Customs ang mga ari-arian ni Ruben Taguba, ang dating BoC Police na nagparating ng bilyon biyong halaga ng shabu na natunton ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Valenzuela City few years ago. Karma is real!



Matagal na namayagpag sa Customs itong si Taguba. Talagang kagulat-gulat ang pagyaman nito. And now… lahat ng kanyang “pinaghirapan” kuno ay naglaho. Kulong pa ang kanyang mahal na lalaking anak na siyang nag-asikaso sa naturang kontrabando.

Pero ang nakapagtataka rito ay tila naabsuelto ang mga Chinese na malapit sa mga anak na lalaki ni Pangulong Duterte na sangkot sa naturang kontrabando. Ano sa tingin ninyo, mga pare’t mare? Kung ano man ang nasa isip ninyo ay baka magkapareho lang tayo. Hehehe…

***

Dumarami ang sumasanib sa Aksyon Demokratiko, ang partido ni late Raul Roco, na kinaaniban ngayon ni presidentiable Manila Mayor Isko Moreno.

Ang running mate ni Isko ay ang doctor/vlogger na si Willie Ong na may higit 16 million followers sa kanyang social media account.

Ang kanilang senatoriables ngayon ay kinabibilangan nina: ex-Vice President/broadcaster Noli de Castro, nagbabalik na sina Loren Legarda, Chiz Escudero at JV Ejercito, Congw. Vilma Santos, reelectionist Joel Villanueva, reviewer/journalist Carl Balita, at human rights fighter Samira Gutoc. Kulang pa sila ng apat (4) para makumpleto ang tiket.

Ang Isko-Ong tandem ay hindi na mababago. Kaya walang nang tsansa ang Leni-Isko. Puede mag-senador nalang si Leni.

Say ng spokesman ni VP Leni, malalaman in few days kung kakasa pa si Leni o manahimik nalang.

Si ex-Senator Antonio Trillanes ang posibleng pumalit kay VP Leni ‘pag umayaw ang huli. Subaybayan!!!