Advertisers

Advertisers

Pulis galing b-day niratrat-patay

0 333

Advertisers

LEGAZPI CITY – Patay ang isang pulis habang isang lalaki ang sugatan sa pamamaril ng mga armadong salarin sa Barangay Peñafrancia, Daraga, Albay, Sabado ng gabi.

Kinilala ang napaslang na si Police Staff Sgt. Allan Madelar na nakadestino sa Guinobatan Municipal Police Station; habang sugatan si Gabriel Llaguno, 20.

Ayon kay Pol. Lt. Armando Revale ng Daraga PNP, nanggaling ang biktima sa birthday celebration ng kaanak at papauwi na sana ng tambangan ng mga salarin.



Bigla na lang umanong pinaputukan ng mga salarin ang biktima na nagawa pang makatakbo sa kanyang sasakyan subali’t hinabol at pinaulanan pa rin ng bala dahilan ng pagkamatay nito.

Nadamay rin at nasugatan ang sibilyan na si Llaguno na nasa lugar ng pinangyarihan ng krimen kung kaya’t tinamaan rin ng bala.

Sa ngayon hindi pa rin matukoy ng mga otoridad kung ano ang motibo sa krimen lalo pa’t wala naman nakakaaway ang pulis habang wala rin itong natatanggap na death threat.(Mark Obleada)