Advertisers
Ginahasa ang isang dalagitang Criminology student ng binatang kainuman sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.
Kinilala ang naarestong suspek sa pangalang Andrew, 20, residente ng Brgy. San Rafael IV; habang ang biktima itinago sa pangalang Trizza, residente ng Brgy. Sta Cruz II.
Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente 7:00 ng umaga nitong Setyembre 25 sa bahay mismo ng suspek sa Brgy. San Rafael IV.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkainuman ang biktima at suspek sa bahay nito kasama ang ilang kaibigan.
Sa kasagsagan ng inuman, nakaramdam ng pagkahilo ang dalagita kaya inalok ng suspek na matulog ito sa kanyang kuwarto.
Nalamang pinaunlakan naman ng biktima ang alok ng suspek.
Nagising ang dalagita nang maramdaman at makita ang suspek habang nakapatong ito sa kanya.
Nanlaban ang dalagita subali’t hindi nanaig sa lakas ng suspek hanggang sa puwersahang mailukso nito ang makamundong pagnanasa.
Nang makauwi ang biktima, agad ikinuwento sa kanyang mga magulang ang nangyari na agad nagsumbong sa mga awtoridad kaya nahuli ang suspek kalaunan.
Nahaharap sa kasong rape ang suspek habang ang biktima, nakatakdang magpunta sa Regional Crime Laboratory Office para sa genital examination.