Advertisers

Advertisers

Construction worker pinagtataga habang tulog

0 250

Advertisers

ISABELA – Patay ang isang construction worker nang pagtatagain habang natutulog sa Jones, Isabela.

Una rito, narinig umano ng salarin na kinilalang si Felix Tirol, 61-anyos ang usapan ng kanyang kapwa construction worker na sina Lordwin Tubay, 31-anyos at isang nagngangalang Rey na papatayin umano siya dahil sa katulad siya ng kanyang anak na may diperensya sa pag-iisip.

Kinuha naman ng pinaghihinalaan ang pagkakataon na tulog ang biktimang si Tubay at dito pinagtataga at tinusok pa ang kaliwang bahagi ng leeg ng biktima gamit ang itak.



Sa isinagawang Hot Pursuit Operation ng Jones Police Station, agad na nahuli si Tirol.

Pansamantala, nasa kustodiya ng pulisya si Tirol habang inihahanda na ang kaso laban dito. (Rey Velasco)