Advertisers

Advertisers

China bank, hinoldap ng nag-iisang kawatan

0 832

Advertisers

Isang sangay ng China bank na matatapuan sa Otis, Pandacan, Maynila ang pinasok at hinoldap ng nag-iisang suspek nitong Lunes ng hapon.

Base sa inisyal na impormasyon mula kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, 1:56 ng hapon ng holdapin ang bangko.

Sa natanggap na impormasyon ni Francisco, nakamotorsiklo ang nag-iisang suspek ngunit inalaam pa rin ng mga operatiba kung mayroong nagsilbing look out sa panghoholdap.



Ang mga CCTV sa lugar tinitignan na rin ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek at nang buong pangyayari.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya na umabot na ng ilang oras mula nang mangyari ang insidente kung saan kinordonan na rin ang paligid habang ang mga empleyado nasa loob ng bangko habang isinasagawa ang pagsisiyasat upang makapagbigay ng iba pang detalye sa naganap na bank robbery holdap.

Hindi pa batid kung magkano ang halagang natangay ng suspek.(Thony Arcenal/Jocelyn Domenden)