Advertisers

Advertisers

Bigtime drug trafficker bulagta sa buybust

0 225

Advertisers

PATAY ang isang bigtime drug trafficker nang manlaban sa naganap na PDEA BARMM buybust operation sa Sitio Lambus Lambus. Brgy. Mandulan, Bongao, Tawi-Tawi.

Kinilala ang suspek na si Umda Abain Karimuddin alias Ombra, nasa hustong edad at residente ng lugar.

Lumalabas na nakipagkasundo ang suspek sa isa sa mga agent ng PDEA na nagkunwaring bibili ng droga at ng magkabigayan natunogan ni Umda na agent pala ang kanyang nakatransaksyon kung kaya agad ito bumunot ng baril habang nagtatangkang tumakas.



Nakuha ng mga otoridad sa operation ang limang pakete ng shabu na tumitimbang ng 200 grams at may national average price na one million three hundred sixty thousand (Php1,360,000.00) pesos, isang gray pouch, isang M4 Rifle grenade, apat na piraso ng short magazine rifle, isang long magazine rifle, isang piraso ng 7.62mm live ammunition, dalawampu’t apat na 5.56mm live ammunition at dalawang mobile phones na siyang ginamit ng suspek sa pagtransaksyon.