Advertisers

Advertisers

“PDEA agent” na tulak patay sa buy bust

0 416

Advertisers

NAGA CITY – Patay ang isang bigtime drug pusher nang manlaban sa buy bust operation sa Zone 1 Barangay San Jose, Bombon, Camarines Sur.

Kinilala ang napatay na si Noel Vasquez, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Lt. Fatima Ibias Lanuza, hepe ng Bombon Municipal Police Station, minamanmanan ng mga awtoridad si Vasquez nang mahalata ang pabalik-balik na mga motorsiklo sa inuupahan nitong bahay.



Aniya, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Bombon PNP at nabilhan ng poseur buyer ng isang transparent plastic sachet ng shabu ang target.

Pero matapos magpalitan ng item ang posuer buyer at ang target ay nagkaputukan. Nagpakilala si Vasquez na isa itong PDEA agent.

Sabi ni Lanuza, si Vasquez ang pangunahing nagsu-supply ng mga iligal na droga sa Naga City, Calabanga, Minalabac at sa bahagi ng Rinconada Area.

Kinukumpirma pa ng mga awtoridad kung talagang PDEA agent si Vasquez.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">