Advertisers

Advertisers

Maynila, handa na sa 3rd ECQ — Isko

0 232

Advertisers

SINISIGURADO ni Manila Mayor Isko Moreno na handa na ang lokal na pamahalaan sa ikatlong enhanced community quarantine (ECQ) na ipatutupad sa Metro Manila simula ngayong Biyernes, Agosto 6, hanggang sa Agosto 20.

Ayon kay Moreno, wala mang may gusto magkaroon ng panibagong lockdown, ngunit naniniwala siyang ito ay sakripisyong kailangan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta Variant.

Kaugnay nito, nilagdaan rin ni Moreno nitong Huwebes ang Executive Order No. 20 na nagpapataw ng paghihigpit sa iba’t ibang sektor ng lungsod, mula sa pagnenegosyo, pagtatrabaho, pagbiyahe at paglabas ng tirahan.



“Walang may gusto na mag-lockdown ulit, pero kinakailangang gawin para mapigilan ang posibleng pagdami pa ng kaso ng COVID-19, lalo na ang mas delikado na Delta variant,” sabi ng alkalde.

Paalala pa niya, “Patuloy lang po nating sundin ang lahat ng alituntunin ng IATF (Inter-Agency Task Force). Siguro, by now, ay nasanay na tayo rito. But I am really hoping this will be the last time for us to be under ECQ.”



Sinusuportahan ng Executive Order No. 20 ang “proactive measures” na nakapaloob sa mga protocol ng ECQ para lalong maprotektahan ang kalusugan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpigil ng “surge” ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kasama rito ang pagpataw ng curfew sa lahat ng residente mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.



Nabatid na hindi naman sakop ng curfew ang mga tinatawag na “Authorized Persons Outside Residence” o APOR na may dalang Valid ID.

Tiniyak pa ni Moreno, tuloy pa rin ang malawakang pagbabakuna sa Maynila kahit pa nasa ilalim ng ECQ ang lungsod.

“As long as we have vaccines available, tuloy-tuloy lang ang bakunahan,” aniya. “Let’s strive to be productive during this ECQ. Gawin natin itong opportunity para maunahan ang impeksyon.”

Samantala, inayunan naman ito ni Vice Mayor Honey Lacuna at sinabing, “Open policy kami sa Manila. As much as possible gusto namin yakapin ang lahat para mabakunahan, taga-Maynila man o hindi. Tuloy po ang bakunahan, pinapayagan po natin yung for 2nd dose. Sa 1st dose naman, kapag may supply, magde-deploy tayo. Depende ‘yan sa darating na supply.” (ANDI GARCIA)