Advertisers
NASAWI ang isang beautician nang saksakin ng ilang beses ng kainuman sa Barangay Tabe Guiguinto, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si alyas “Cindy” Jones Torres, 39 anyos, may-ari ng inuupahang parlor, at presidente ng LGBT ng Brgy. Poblacion.
Ang salarin ay nakilalang si Arnold Diosana, nasa hustong gulang, at kasintahan ng biktima.
Ayon sa ulat, nag-iinuman pa ang biktima at ang salarin, kasama ang iba pa sa loob mismo ng parlor.
Ganap na 11:00 ng gabi ng Agosto 4, 2021 nang makita ang hubad na katawan ni Cindy na tadtad ng saksak, habang nasa loob rin ng parlor ang salarin na hindi nito nagawang makatakas dahil naka-kadena at naka-padlock ang pintuan ng parlor.
Ayon sa salarin, nagawa niyang saksakin si Cindy nang tangkain umano siyang gahasain at saksakin nito.
Samantala, palaisipan sa mga pulis kung sino ang nag-padlock ng pinto ng parlor. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. (Thony D. Arcenal)