Advertisers

Advertisers

Isko at Vico sanib-puwersa sa National Unity Party

0 351

Advertisers

NILAYASAN na ni Manila Mayor Isko Moreno ang National Unity Party (NUP).

Ayon kay Ernest Ramel Jr., ang secretary general ng Aksyon Demokratiko, sasali na sa kanilang partido si Moreno.

Makakasama ni Moreno si Pasig City Mayor Vico Sotto na nagsisilbing executive vice president ng partido.



Ayon kay Ramel, manunumpa si Moreno kay Attorney Pierre Roco, anak ni party founder at dating Senador Raul Roco.

Matatandaang inihayag ni Moreno na tatakbo siya sa 2022 national elections subalit hindi tinukoy kung anong partikular na posisyon.

Sa mga naglabasang survey, lumulutang ang pangalan ni Moreno na posibleng kumandidatong pangulo ng bansa.