Advertisers
ISANG residente sa San Luis, Pampanga ang nanalo ng baka matapos magpabakuna kontra Covid-19.
Kinilala ang nanalo ng baka na si Melania Sarmiento ng Barangay Sta. Catalina.
Inanunsyo ito ng lokal na pamahalaan sa Facebook livestream noong Linggo, August 1, na personal na inihatid ang napanalunang baka sa bahay ni Sarmiento.
Ang raffle na “Baka Para sa Bakuna” ay pakulo ng Local Government Unit (LGU) para mahikayat ang mga residente nito na magpabakuna laban sa Covid-19.