Advertisers

Advertisers

1 pulis na ‘killer’ ng online seller sumuko

0 334

Advertisers

BAGO ang pagtatapos ng itinakdang oras, sumuko ang pang-anim at huling salarin sa karumal-dumal na krimen sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Director, General Val De Leon, kinilala ang sumukong pulis na si SMSgt. Rowen R. Martin, 41 anyos, nakatalaga sa Cabanatuan City Police Station, at residente ng San Leonardo, Nueva Ecija.

Kasamang isinuko ng salarin ang service firearms na Glock17 (PNP serial no. 26749), isang magazine at 12 bala ng baril.



Kabilang si Martin sa itinuturong kasama sa pag-kidnap, pagpatay at pagsunog sa jewelries online seller na si Nadia Casar noong Hulyo 23, 2021.

Sumuko si Martin kay Lt. Colonel Julius Ceazar A. Manucduc, hepe ng Cabanatuan City Police Station. (Thony D. Arcenal)