Advertisers

Advertisers

1 patay, 1 sugatan sa boga ni Tserman

0 229

Advertisers

PATAY ang isang magsasaka habang sugatan ang kaniyang kasamahan nang barilin ng kanilang barangay chairman sa bayan ng Pastrana, Leyte, Miyerkoles ng umaga.

Dead on arrival sa ospital si Jamesbert Abanes, 35 anyos; habang patuloy na ginagamot si Arnulfo Abanes, 68.

Kinilala ang salarin na si Rogelio Empillo, kapitan ng Barangay Lanauan.



Personal grudge ang tinitingnang motibo sa krimen.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dati nang may alitan ang mga biktima at ang kapitan.

Bago ang insidente, ayon sa mga testigo, nagtatrabaho sa irigasyon ng kaniyang sakahan si Jamesbert malapit sa sakahan ng kapitan.

Nagalit umano ang barangaykapitan kay Jamesbert at binaril ito ng ilang beses. Pagdating naman ni Arnulfo, binaril din ito ng opisyal.

Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng bala mula sa isang .45 caliber pistol.



Nakatakas ang salarin.