Advertisers

Advertisers

VP Leni dadalo sa SONA ni Duterte via virtual

0 225

Advertisers

KINUMPIRMA ng Office of the Vice President spokesperson na virtual na dadalo si Bise Presidente Leni Robredo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Hulyo 26.

Saad ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, nakatanggap ang Bise Presidente ng imbitasyon para pumunta ng personal sa SONA.

Ngunit isa sa mga requirement ay kailangang kumpleto na sa COVID-19 vaccine. Dahil dito’y hindi puwedeng dumalo si Robredo dahi isa pa lamang ang dose na natatanggap ng Pangalawang Pangulo.



“Merong bagong listahan na in-approve ng IATF at pwede na raw siya magpunta na personal,” ani Gutierrez.

Hinimok ni Robredo na maging ‘honest’ ang Pangulo sa kanyang huling SONA ukol sa tunay na kalagayan ng bansa sa gitna ng pandemya. (Josephine Patricio)