Advertisers

Advertisers

Makati City mayor, councilors inireklamo sa Ombudsman ng ‘neglect of duty’

0 679

Advertisers

DALAWANG residente ng Makati City ang nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kina Mayor Marlen Abigail Binay, Vice-Mayor Monique Lagdameo, at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod dahil sa pagpasara sa barangay hall at pagsuspinde sa mga opisyal nito ng ilang linggo.

Idinemanda nina Julie Raymundo at Rose Ann Guevarra, kapwa residente ng Barangay Carmona, ang naturang city officials ng ‘gross misconduct, neglect of duty, abuse of authority, and dereliction of duty’ sa reklamong isinampa noong July 12.

Ang kaso ay nag-ugat dahil sa utos ng city government na isailalim ang buong council ng Barangay Carmona sa ‘preventive suspension’ simula July 4, na ayon sa reklamo ay inalisan ang mga residente ng barangay ng access sa basic services.



Reklamo nina Raymundo at Guevarra, nang sila’y kumukuha ng barangay clearance sa Carmona Barangay Hall, sinabihan silang hindi sila makakukuha na kahit anong permits dahil “there is no one to sign.”

Nang magtanong sila kung bakit, ipinakita sa kanila ang kopya ng City Resolution ng Sangguniang Panglungsod of Makati City at order ng preventive suspension na isyu ni Mayor Binay, na sumususpinde sa lahat ng miyembro ng barangay council ng Carmona.

Sa kabila nito, ang city government, partikular si Atty. Cherry Canda-Melodias, ang director ng DILG-Makati City, ay hindi manlang nagtalaga ng caretakerpara hawakan ang intra-barangay affairs habang nasa period ng suspension.

Hinihiling ng dalawang complainants sa Ombudsman na ang mga city official ay isailalim sa six-month preventive suspension sa ilalim ng Republic Act No. 6770 (Ombudsman Act).

“Closing the barangay or making it non-operational for more than a week is not a joke. We all know that the barangasy is the first office that a constituent can seek for their basic and essential needs,” sabi ni Raymundo sa kanyang reklamo.



Dagdag naman ni Guevarra ang kabiguan ng city officials na magtalaga ng caretaker ay “patent breach” ng kanilang sworn duty para magserbisyo sa mga tao.