Advertisers

Advertisers

6,216 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA

0 486

Advertisers

ANG Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 6,216 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 6,778 na gumaling at 241 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.5% (54,401) ang aktibong kaso, 94.7% (1,461,749) na ang gumaling, at 1.76% (27,131) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 22, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (ANDI GARCIA)