Advertisers

Advertisers

Petro Gazz wagi kontra Army sa PVL debut

0 224

Advertisers

DINISPATSA ng Petro Gazz ang Black Mamba Army,25-19,22-25,25-20,25-21, sa Premier Volleyball League Open Conference sa PCV Socio-Civic and Cultural Center.

Nagsanib puwersa sina Myla Pablo, Grethcel Soltones at Ces Molina sa kanilang first game para sa Angels, na naantala ng tatlong oras sa second set bunsod ng malakas na ulan para matalo ang pangkat ng Army.

Sumandal rin ang Petro Gazz sa blockings ni Ria menesses at Remy Palma at matinding depensa ni multi-awarded libero Kath Arado sa impresibong debut sa PVL’s maiden tournament bilang pro league.



“Given na may circumstances na nade-delay, ‘yung mindset naman namin whatever challenges na humarap, embrace lang namin ang importante at makagalaw kami nang maayos,” Wika ni Petro Gazz head coach Arnold Laniog.

“Tulad kanina, ang tagal nung paghihintay but yung mga players umaasa pa rin na matuloy kaya kahit papaano. Ayun nakalaro pa rin ng maayos,” Dagdag pa nya.

Soltones, na lumagda sa Petro Gazz nakaraang taon, ay umiskor ng 18 points, tampok ang 15 digs at 12 excellent rerceptions. habang sina Pablo at Molina ay bumakas ng 16 at 15 points ayon sa pagkakasunod.

Menesses ay naitarak ang siyam sa teams 15 kill blocks, at may six attacks at ace para sa 16 points sa bakbakan na naantala ng halos limang oras at anim na minuto.

Ang laban na dapat nagsimula 3pm ay na delayed ng ilang oras bunsod ng malakas na ulan na naging dahilan para madulas ang sahig ng playing area.



Gonzaga pinamunuan ang opensa ng Army sa kinamadang 18 points,16 digs at 14 excellent receptions,Bunag at Tubino nagdagdag ng 14 at 13 marka, ayon sa pagkakasunod.