Advertisers

Advertisers

‘Kakayahan’ ng kandidato ang dapat sa Halalan ‘22

0 618

Advertisers

KRITIKAL ang magiging resulta ng Halalan 2022. Kahit ano pa ang gawing paandar ng mga kandidato lalo na sa pagka-pangulo, sa huli ay nasa kamay parin ng mga botante nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa lalo na sa pagharap natin sa post COVID-19.

Sana mabago na ang takbo ng pag-iisip ng mga botante. Kasi sa nakaraang mga eleksyon, kung sino lang ang sikat at mas kilala ang siniswerteng manalo sa halalan. Kung tutuusin, marami sa mga kandidato natin ang mas kwalipikado at may kakayanang mamuno sa ating bansa kaysa sa mga kilalang personalidad na nagsasalimbayan ngayon sa mga survey.

Kung si Anak-Kalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang tatanungin, isa sa mga may competence at may kaka-yanan bilang isang national lider ay walang iba kundi si dating Speaker Alan Peter Cayetano.



Sa isang press confrerence sa Quezon City kamakailan, sinabi ni Defensor na nakita nya mismo ang “evolution’’ ni Cayetano mula noong ito ay student leader pa hanggang ngayon matapos nyang hawakan ang pagiging lider ng kamara. Aniya, may ang-king galing si Cayetano at may malinaw na vision para sa bansa at higit sa lahat may kakayanan itong ipatupad ang naturang vision na pinapangarap nya para sa Pilipinas. Saludo din si Defensor sa “spirituality’’ ng dating speaker.

Ang kakatwa pa nito, palaging nasa magkaibang linya ng paniniwala at panig political si Cayetano at Defensor mula nang sila ay mga estudyante pa lamang ng UP hanggang sa silang dalawa ay maging mga kongresista. Kabilang si Cayetano sa majority block sa kamara habang si Defensor ay nasa minorya. Noon namang mapasama si Defensor sa administrasyon, nasa oposisyon si Cayetano.

Sa totoo lang, noon lamang maging speaker si Cayetano sa loob ng 14 buwan nagkatrabaho sa iisang panig ang dalawang kongresistang ito hanggang sa naging magkaalyado sila ngayon sa “BTS” o Back To Service sa kongreso kungsaan nagpapatupad sila ng mga programa katulad ng Sampung Libong Pag-asa o 10K Ayuda at pagtulong sa mga sari-sari store para alalayan ang ating mga kababayan na iginupo ng COVID-19.

Ikinuwento rin ni Defensor na kahit tignan lamang ng mga tao ang facebook page ng kamara ngayon, hindi maikakaila ang galing ni Cayetano bilang speaker noon.

Aniya, sa budget hearing pa lamang nakita niya na ang pagiging national leader ni Cayetano dahil maraming sector ang kanilang pinagtuunan sa pagtalakay ng national budget gaya ng agrikultura, health facilities, usapin ng K-12 at iba pa. Binigyan din ng kamara ng atensyon ang pagtaas ng presyo ng tubig at kuryente pati ang repatriation ng may 200,000 OFW’s na na-stranded noon sa Middle East.



Sinabi din ni Defensor na si Cayetano ang speaker na hindi istilong magtanong, magkano ba ang kailangan sa distrito mo, kundi ano ba ang dapat na polisiya para maipatupad ng maayos ang mga programa ng gobyerno.

Binisita ni Cayetano ang Quezon City noong nakaraang linggo para sa distribusyon ng 10K Ayuda sa may 500 residente. Todo-todo naman ang pasasalamat ni Defensor maging ni Quezon City Congressman Onyx Crisologo kay Cayetano sa pagtulong nito sa mga taga- Lungsod Quezon.

Patuloy na umaasa sina Cayetano, Defensor at iba pang kasapi ng BTS sa kongreso na bibigyang pansin ng kamara ang kanilang inihaing 10K Ayuda Bill bilang pang-ahon ng mga nabiktima ng COVID-19. Sinabi pa nga ni Cayetano na kailangan lang ng 4% savings sa pondo ng mga ahensya ng gobyerno para maipatupad ito sa loob ng limang taon. Mismo!

Oo nga pala, si Cayetano ay pasok sa presidential at vice presidential lalo sa senatorial surveys para sa Halalan 2022…

Kilatisin ang dapat at tapat!!!